No to Provincial Rate!
Yes to Living Wage!

Ang #85 Kamanggagawa Partylist ay tumatakbo sa Halalan 2025 para sa dalawang mahalagang agenda:1. #NoToProvincialRate!
Oras nang buwagin ang hindi makatarungang provincial rate na nagsisilbing pahirap lang sa mga Pilipino sa probinsya. Sintaas na o mas mataas pa ang gastos sa pamumuhay sa probinsya. Wala nang saysay ang batas na ito.
2. #YesToLivingWage!
Malayo nang napag-iwanan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang sahod ng lahat ng manggagawa. Ayon sa datos ng NEDA at Ibon Foundation, ang sahod na kailangan upang mabuhay ay mahigit sa ₱1,000 kada araw.

Tara na, Kamanggagawa!



Kilalanin si Eli

Ang first nominee ng Kamanggagawa ay si Eli San Fernando.Si Eli San Fernando ay isang political content creator at lider ng mga manggagawa na kilala sa kanyang walang takot at maka-manggagawang komentaryo sa social media. Ang kanyang mga viral na video ay nakakuha ng atensyon ng mga ordinaryong mamamayan at manggagawa, na nagbibigay ng matapang at maka-masang pananaw sa mga isyung nakakaapekto sa milyon-milyong Pilipinong nagtataguyod ng kanilang kabuhayan.Bukod sa kanyang online presence, si Eli ay kasalukuyang National Vice President ng National Federation of Labor—isang pederasyon ng mga unyon at asosasyon ng mga manggagawa sa Pilipinas—kung saan siya ay nakatuon sa pag-oorganisa ng mga komunidad at asosasyon ng mga manggagawa, lalo na sa informal sector gaya ng mga nagtitinda sa palengke, street sweepers, at gumagawa ng basahan. Ang kanyang malalim na koneksyon sa kilusan ng mga manggagawa ang nagtatakda sa kanya bilang isang kandidato na tunay na nakakaunawa sa mga hamon ng mga manggagawang Pilipino at mga kapus-palad.


Kilalanin at sundan si Eli:


Mag-volunteer!

Ipanalo natin ang ating Kamanggagawa! Ang kahit anumang tulong na iyong mabibigay sa kampanya ay welcome na welcome at malaking ambag sa ating laban.

#85Kamanggagawa
#NoToProvincialRate
#YesToLivingWage